Local News

Kim Chiu, Iimbestigahan ng MMDA dahil sa Pagsasayaw Diumano sa Gitna ng EDSA!

Magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng imbestigasyon ukol sa diumno’y video kung saan makikita ang ABS-CBN actress na si Kim Chiu na sumasayaw sa gitna ng traffic sa EDSA habang tumutugtog ang kanyang viral song na “Bawal Lumabas”. Base ang nasabing kanta sa pahayag ni Chiu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” oladas ni Chiu.

Sa video mula sa Instagram stories ni Angelica Panganiban, makikita si Chiu na bumaba sa tabi ng kanyang behikulo at nagsasayaw sa gitna ng kalye. Ayon sa ilang netizens, sa EDSA daw nangyari ang pag-iindak ng aktres.

Iimbitihan daw ng MMDA si Chiu sa kanilang opisina upang magpaliwanag.

“We will verify if this video of the actress really happened in EDSA. If it did, We will summon/invite her to explain her side and from there we will act accordingly… “Marami po tayong problema na kailangan pong unahin at pagtuunan ng pansin kaya po sa ngayon ito po muna ang reaksyon ng aming opisina sa issue,” MMDA spokesperson Celine Pialago.

Nagbabala si Pialago na mariing ipinagbabawala ng pagsasayaw sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

Sa isang social media post, nangatwiran si Chiu na hindi siya sa EDSA sumayaw kundi sa isang parking lot.

“[S]a nagpapakalat ng fake news na sa EDSA ako sumayaw, hello?!!! Okay lang kayo??? Bakit ako sasayaw sa gitna ng EDSA. Takot ko lang,” sabi ni Chiu.

Source: Manila Bulletin | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: