Local News

‘Kinakaya si DU30 dahil ‘Di sila Papansinin! Subukan nila ang mga Drug Lords!’ – Lawyer

Kamakailan lang ay naging usapan ang cheerdance video ng University of the Philippines – Visayas (UP-V) Skimmer Orgnization dahil sa kontrobersiyal na linya na isinigaw ng mga lumahok sa aktibidad.

Sa naturang cheerdance, binabanatan ng mga kalahok na estudyante ang iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng lipunan at gobyerno, pero ang isa sa tumatak at nagpagalit sa mga taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ang isinigaw nila na ‘Let’s Kill This President! Charot!’.

Dahil sa naturang linya, inulan at nakatikim ng batikos ang grupong Skimmer mula sa mga supporters ni Pangulong Duterte. Palusot naman ng mga sumusuporta sa naturang grupo ay biro lang daw ang linya, habang ang iba naman ay sinasabi na ‘satirical’ lamang daw ‘yung sinabi tungkol sa Pangulo.

Isa sa mga nagsalita laban sa UP-V Skimmers ay ang pro-administration lawyer at blogger na si Attorney Darwin Cañete. Sa kanyang social media post, kinuwestiyon niya kung totoo ba ang lakas ng loob ng mga naturang estudyante.

“I’d only concede that the UPV cheer dancers actually have guts if they can cheer shout the names of the drug distributors in their respective communities,” banat ni Atty. Cañete.

Paliwanag ng abogado, si Pangulong Duterte ang binabantan ng mga estudyante dahil alam daw ng mga ito na hindi gaganti ang Presidente. Hinamon niya ang mga estudyante na banatan ang mga taong kaya silang resbakan, tulad ng mga durugista at kriminal.

“Calling out PRRD is easy. He does not mind. Go look for actual criminals.. Call out people who’d actually harm you when provoked. That’s real courage.,” dagdag pa ni Atty. Cañete.

Source: Darwin Cañete

Leave a Reply

Theme by Anders Norén