Local News

‘Kinontra namin ang Libel, Hindi ka nga Sumuporta!’ Maria Ressa, Supalpal kay Roque

Kahapon ay ibinaba na ng korte ang hatol nitong guilty laban kay Rappler Chief Executive Officer Maria ressa at sa dati nitong writer/researcher kaugnay sa cber-libel na isinampa ng private citizen at business man na si Mr. Wilfredo Keng.

Isa sa mga inginangawa ni Ressa ay pagkitil daw ito sa malayang pamamahayag kahit na pribadong mamamayan ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.

“I appeal to you, the journalists in this room, the Filipinos who are listening, to protect your rights. We are meant to be a cautionary tale. We are meant to make you afraid, right? So, I appeal again, don’t be afraid… Sa mga Pilipinong nanonood po, hindi lang po ito tungkol sa Rappler, hindi lang po ito tungkol sa amin, tungkol po ito sa inyo, because freedom of the press is the foundation of every singe right you have as a Filipino citizen,” boladas ni Ressa.

Sa isang public address, niresbakan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga pinagsasabi ni Ressa. Ipinaalala ni Roque sa mamamahayag na hindi nga ito tumulong at nagpakita ng suporta noong kino-kontra niya ang isang libel case noong panahong hindi pa siya ang tagapagsalita ng Pangulong Duterte.

“Sasabihin ko na sa kauna-unahang pagkakataon, na noong sinampa namin ang challenge sa criminal libel, hindi kami sinuportahan ni Binibining Maria Ressa,” banat ni Roque.

Dinepensahan din ni Roque si Pangulong Duterte. Ayon kay Roque, ni-minsan ay hindi nagsamapa ng kasong libelo ang Presidente kahit na noong Alkalde pa lang ito ng Davao City. Sa katunayan daw ay mayroong pa itong tinulungan na mamamahayag na may kinakaharap na kasong libelo.

Source: Presidential Communications (Government of the Philippines)

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: