Local News

Kinunsinti ang Kabaklaan sa Religious Channel? Pastor Quiboloy, Binanatan si Bro. Villanueva!

Pinasaringan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy si Jesus is Lord leader Eddie Villanueva patungkol sa pagpayag nito na umere ang mga programa ng ABS-CBN sa A2Z 11 (formerly Zoe TV) na pagmamay-ari ni Villanueva.

Isa sa mga kinukuwestiyon ni Quiboloy ay ang paglabas ni VIce Ganda sa A2Z na isang religious channel.

“O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly? Openly… this is on television promoting this.

Kasi kung lalabas diyan si Vice Ganda o ang ABS-CBN, may mga show na ganyan, ito-tolerate ba ng isang nagmamay-ari, ng isang religious leader, nagmamay-ari ng isang istasyon na papayagan ba niyang yan ay ipalabas sa kanya na parang you are espousing homosexuality which is against the faith that you are preaching?” banat ni QUiboloy.

Para kay Quiboloy, kung siya daw ang may-ari ng istasyon ni Villanueva, sisiguraduhin niya na ang maaaring lang ipalabas ay ang mga programang hindi kumokontra sa kanyang ipinapangaral.

“Kung ako ang may-ari niyan, puwede kong ipaarkila pero may kasulatan na gagawin: ‘Do not promote this here… Tulad sa SMNI, mag-advertise ka, pero walang vices. Food products pwede, pero sin products, hindi pwede… Sin products, hindi pwede yan sa SMNI pero food products, okay ‘yan o ano pa yang produkto. It does not go against our principle of obedience to the will of the Father… Kung ako yung may-ari. Hindi naman ako yung may-ari ng Channel 11, so sa kanya natin itanong,” dagdag pa ni Quiboloy.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: