Local News

Kokontrahin ni Kiko at Risa sa Supreme Court ang Anti-Terror Bill ‘Pag Pinirmahan ni PDU30!

Ang anti-terrorism bill ay pasado na sa kongreso at senado at tinata na lang ng ballpen ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hinihintay nito para maging ganap na batas.

Pero ikinakasa na nila Senador Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros ang kanilang hakbang laban sa sikat na panukalang batas.

Ayon sa dalawang senador, dadalhin nila ang laban sa supreme court.

“The prudent recourse is to raise the constitutional issues before the SC,” boladas ni Pangilinan.

“Ako po ay nagkokonsulta pa rin at nag-aaral kasama ng mga legal expert kung mangunguna ba or sasali sa paghain ng isang kaso sa Korte Supreme pero kung ano pa man, kahit pa hindi, kung iba ang aking magiging gawain parallel doon ay patuloy akong susuporta sa ganiyang mga gawain… para depensahan ang ating mga kalayaan at ating mga karapatan,” patutsada naman ni Hontiveros.

Dinepensahan naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang batas laban sa mga kritiko.

“Three years kaming nag-hearings at debate then pinasa on third reading tapos saka sila kokontra. Na-misinform lang sila. Kumagat sa mga false statements sa socmed,” resbak ni Sotto.

Dinepensahan na rin ng ilang MalacaƱang officials ang panukala. Ilan sa mga nagsalita na ay sina Presdiential Legal COunsel Salvador panelo at Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana.

“Not only is such advocacy a falsehood, it is cerebrally challenged. The critique against the anti-terrorism bill is not only biased, lacking in intellectual insight and oblivious of the monstrosity and the grave infinitesimal consequnces the terrorism has brought to the world,” banat ni Panelo.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” ani Lorenzana.

Nakasaad sa panukalang batas na hindi saklaw ng anti-terrorism bill ang mga paglalabas ng sama ng loob sa gobyerno.

“Provided that terrorism, as defined by this Section, SHALL NOT INCLUDE advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: