Local News

Koleksyon ng mga Mamahaling Sasakyan ni Coco Martin!

Sa kanyang paglalabas ng sama ng loob sa social media kagabi dahil sa nangyaring ABS-CBN shutdown, kinuwesityon ni Kapamilya actor Coco Martin ang naging desisyon ng National Telecommunication Commission (NTC) at sabay banat sa pamahalaan.

Pinoproblema daw ng aktor kung paano papakainin ang kanyang pamilya. Sa isang bahagi pa ng video, sinabi nito na handang siyang makipagpatayan.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako. Ano po ba ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000… Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo,” banat ni Coco.

Hindi tuloy napigilan ng ilang kababayan natin na tumaas ang kilay sa pinagsasabi ni Coco. Alam naman kasi ng karamihan na isa ang aktor sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN at panay-panay ang endorsements nito.

Sa website pa nga ng ABS-CBN ay ipinakita pa nga ang “jaw-dropping” na koleksyon ng mga mamahaling sasakyan ni Coco.

Source: ABS-CBN | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: