Local News

Komunista, Sinisi si PDU30 sa Nangyari sa Flight Attendant na si Christine Dacera!

Sa pagsisimula ng 2021, naging laman ng balita si Christine Dacera, ang flight attendant na pumanaw sa isang hotel nitong bagong taon. Sa pagkasawi ni Dacera, iba’t-ibang kuro-kuro ang lumalabas sa social media. May ilang kampo na nagsabi nagahasa ito. Pero lumabas naman sa medico-legal na wala raw nangyaring panggagahasa sa dilag.

Ngayon ay sumasawsaw na ang mga komunista at gustong isisi ang nangyari kay Dacera kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Maria Laya Guerrero, ang National Spokesperson ng Kabataang Makabayan, dapat daw panagutin ang gobyerno ni Pangulong Duterte dahil sa kultura na pina-iiral sa ating bansa.

“Kabataang Makabayan abhors the rape & murder of Christine Dacera. As we bring her perpetrators to justice, we also hold accountable the Duterte regime for enabling the macho-feudal culture in the country,” boladas ng Guerrero.

Kung ang mga rebeldeng komunista ay ikinokonekta kay Pangulong Duterte ang nangyari kay Dacera, ang ina naman ni Daera na si Ginang Sharon ay humingi mismo ng tulong sa Presidente. Tinawag pa niya ang Pangulong Duterte na “Tatay Digong”. Ang katawagang “Tatay Digong” ang karaniwang ginagamit ng mga Duterte Supporters kay Pangulo.

“Tatay Digong, tulungan niyo po kami. Ordinaryo lang po akong tao. Ma’am [Davao Mayor] Sara Duterte, nanay ka rin. May anak ka rin na babae. That is why I want to come out in the open because I don’t want somebody to be a victim again by this kind of brutality, barbaric,” pahayag ni Ginang Sharon.

Source: Maria Laya Guerrero | Archive | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén