Local News

Congresswoman ka Tapos Anak mo ay Terorista! Relissa Lucena, Sinupalpal si Bayan Muna Rep. Cullamat

Hindi nakapagtimpi si Ginang Relissa Lucena sa mga pinagsasabi ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat laban sa militar. Magugunita na nasawi ang anak ni Cullamat na si Jevilyn dahil sa pakikipagbakbakan sa mga kasundaluhan. Si Jevilyn ay nagsisilbing medic ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA).

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar… Hindi n’yo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay nga aking anak… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev,” kuda ni Cullamat.

Buwelta ni Ginang Lucena, nakikinabang si Cullamat sa pera ng taumbayan pero ang anak nto ay isang terorista. Gusto din ni Ginang Lucena na magbitiw na sa kongreso ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

“Tulad na lang sa nangyari kay Congresswoman Cullamat, yung anak niya na namatay sa bundok. Isipin mo, kongresista tapos mayroong anak na NPA. Napakalaing puzzle na ikaw mismo na naka-upo ka sa gobyerno at nakikinabang ka sa pera ng sambayanang Pilipino tapos mayroon kang anak na terorista. Tapos ang pinamumukha mo na ang mga pumapatay ay mga sundalo,” banat ni Ginang Lucena.

Si Ginang Lucena ay isa sa mga magulang na nawalan ng anak matapos ma-recruit ng mga leftist organization na iniuugnay sa NPA. Taong 2018 nang marecruit sa Anakbayan ang kanyang anak na estudaynte sa FEU Morayta. Labag sa kanyang kalooban na mawalay sa kanyang anak na 2019 niya pa huling nakita. 17 years old ng marecruit ang kanyang anak na walang consent ng magulang. Magugunita na humarap na si GInang Lucena sa senado upang tumetigo laban sa mga leftist organizations.

Source: Eunice Samonte

Leave a Reply

Theme by Anders Norén