Lotto Result

Kongreso, Binawi na ang Provisional Franchise ng ABS-CBN!

Binawi ngayong araw ng kongreso ang provisional franchise ng ABS-CBN na inaprubahan nila mismo ilang araw alng ang nakakalipas. Magugunita na binigyan ng mababang kapulungan ang ABS-CBN ng provisional franchise hanggang Oktubre 2020 matapos pahintuin ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kapamilya network sa pag-e-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng network.

Matatandaan na umpela na sa Korte Suprema ang ABS-CBN upang pigilan ang naging hakbang ng NTC. Ayon sa Kapamilya network, aabot daw sa 30 hanggang 35 milyon ang kanilang lugi dahil sa pagpapahinti sa kanila na mag-ere. Apektado din daw ang 11,000 nilang empleyado. Bumagsak namana ng 7.2% ang shares ng ABS-CBN sa stock market dalawang linggo matapos ang shutdown.

Kamakailan lang ay naghain si presidential son at deputy speaker Paolo Duterte ng resolusyon para imbestigahan anng mga posibleng paglabag ng Kapamilya network sa kanilang legislative franchise.

Ang hakbang para bawiin ang provisional franchise ng istasyon ay pinangunahan ni Deputy Majority Leader Wilter Wee Palma. Binawi ang provisional franchise upang makapagtanong ang mga mambabatas at makapagpasok ng mga amendments a panukalang batas.

Panoorin ang talumpati ni Hon. Sy-Alvarado, “Kuya” Jose Antonio R. ng Bulacan patungkol sa ABS-CBN provisional franchise.

Narito naman po ang video kung saan inisa-isa ni Congressman Rodante Marcoleta ang mga alegasyon laban sa ABS-CBN.

Source: CNN Philippines | Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: