Local News

Kongreso, Itutuloy ang Lopez-DBP Loan Investigation Matapos Punahin ni PDU30!

Matapos ipahinto ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Diwa Party-list Rep. Mike Aglipay ang imbestigasyon ukol sa diumano’y pinabayaang utang ng Pamilya Lopez sa Development Bank of the Pbhilippines (DBP), pinuna ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang public address. Ang mga Lopez ay ang may-ari ng ABS-CBN na noong nakaraan taon ay hindi nabigyan ng prangkisa dahil sa ilang paglabag.

“Ngayon, binili — pinagbili ng Lopez doon sa DBP, binili ng DBP. Tapos mayroong batas SPV — iyong SPV is a law that was made to help ailing banking institutions.

Ewan ko, ito bangko ito pero na — napabili nila ang — ang kanilang utang lahat doon sa DBP. But after a few years, binili ng DBP uli ‘yung pinagbili nila sa… Ipinagbili nila sa DBP iyong pinagbili nila. This time, medyo wala na ‘yung mga utang-utang. Condoned, kung ano-ano ang nilagay nila.

Ngayon, unless it is cleared, I think Congress, I understand, started an investigation but stopped noong dumating na sila dito kay Lopez.

There were so many investigations about banking except that pagdating kila — sa kila Lopez, huminto sila. So nagkakaroon tayo ng problema diyan. Dumating sa akin ito in official capacity. Ang magawa ko lang nito is I think I’ll pass it on to the Ombudsman. Para sa akin ang Ombudsman ang pinaka- independent body na mag-solve,” banat ni Pangulong Duterte.

Matapos ang ginawang pagsita ng Presidente sa hakbang ng kongreso ay agad namang kumilos ang mga mambabatas para muling ipagpatuloy ang pagdinig. Ayon kay Rep. Aglipay, inatasan na daw siyta ni House Speaker Lord Allan Velasco para ituloy ang imbestigasyon.

“Ang instruction niya na tayo maski hindi pa Feb. 18 mag-hearing na. ‘Yung utos po na ‘yun Feb. 3, sabi ko Speaker kailangan po kahit konting oras mabigyan natin kasi 15 years ago pa po ‘tong mga papeles na ito so napagkasunduan po namin Feb. 3 and na-instructionan ko po ang ComSec (Committee Secretary) na i-prepare ang hearing sa Feb. 17, ‘yun po ang napagkasunduan ng lahat,” sabi ni Aglipay.

Source: ABS-CBN | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén