Local News

Kontra kay DU30? Sen. Recto, Sinulong ang ABS-CBN Franchise Renewal!

Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang renewal ng franchise ng ABS-CBN, naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat mabigyan ng prangkisa ang media giant.

“ABS-CBN deserves renewal of franchise,” sabi ni Senador Recto sa kanyang text sa mga mamamahayag.

Magugunita na nitong Agosto lang ay naghain si Senador Recto ng panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN para sa susunod na 25 taon.

Si Senate President Vicente Sotto III ay hindi naman sigurado sa kung ano ang pwedeng kahinatnan ng media giant dahil dadaan daw muna sa kamara ang panukalang batas para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“[I] cannot predict that because we will only tackle it when the HOR passes it,” ayon kay Senador Sotto.

Sa isang interview, binulalas ni House Speaker Cayetano na mayroon siyang “personal objectionss” sa franchise renewal ng media outfit.

“People like me, I also have some objections [about the extension]. I’ll tell you, this is my personal [opinion], okay?… On one hand I feel that we have to protect the freedom of the press and freedom of expression; on the other hand I feel that there’s certain instances in history, and in the 2016 election, that some sectors or leaders of ABS interfered unjustly… we will find a conclusion that is acceptable to everyone but will be good for the country,” ani House Speaker Cayetano.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, titiyakin niya na hindi mare-renew ang prangkisa ng istasyon.

“Ikaw, ABS-CBN, you’re a mouthpiece of… Ang inyong franchise, mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out. Ilan kaming mga kandidato na kinuha ninyo ang pera namin but never aired our propaganda. Ako, Chiz Escudero, lahat kami. Pero ‘yung propaganda ni Trillanes portraying children and which was really a prohibited act under the rules of the Election Code in spite of the fact na may TRO na huwag ninyong ipalabas, pinalabas ninyo,” birada ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Bulletin | CNN Philippines | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén