Local News

Kontrata ng LRT, Bubusisiin din ni DU30 Matapos Malaman na Konektado sina Ayala at Pangilinan sa Operasyon!

Hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Roa Dutrte sa pagbubusisi sa mga kontrata ng public utilities. Kung sa huling bahagi ng 2019 ay ibinunyag ni Pangulong Duterte ang diumano’y tagilid na kontrata sa pagitan ng nakaraang mga administrasyon at ng mga water concessionaires, ngayong 2020 ay gustong siyasatin ng Presidente ang kontrata ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) matapos niyang malaman na may “key roles” ang mga bilyonaryong sina Fernando Zobel de Ayala and Manuel V. Pangilinan sa operasyon nito.

Sina Ayala at Pangilinan ang mga may-ari ng mga water concessionaires na kinikuwestiyon ni Pangulong Duterte.

“Karami na nilang pera, sobra-sobra na. Getting most of the contract, LRT. Merong — silipin ko. Meron man pala sila sa LRT (They have a lot of money. That’s too much. They are getting most of the contracts, including one concerning LRT operations. They are also controlling it)…. “Marami ‘yan silang pinasukan sa gobyerno pero (They have entered many deals with the government but) this one (water agreement) is really the biggest rip-off of all. And that contract was never shown to the Filipino people,” sabi ni Pangulong Duterte.

Muli din binanatan ni Pangulong DUterte ang mga water companies.

“Water is a natural resource. It is a valuable property of the state. Alam mo dito sa kontrata, pagbasa ko pa lang, pagsabi pa lang but you know, when I read the contract, it said: ‘For purposes of interpreting this contract in case of conflict, water will be treated as a common commodity,’…. We surrendered sovereignty. We allowed our natural and valuable natural resource such as water, ginawa nilang common commodity (they turned it into a common commodity). That is a violation of the Constitution,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén