Local News

Kontrata ng mga ABS-CBN Talents, Suspended na ayon sa Philstar Source!

Nakatanggap ng impormasyon ang source ng Philstar tungkol sa lagay ng mga talents ng ABS-CBN network.

Ayon sa naturang source, suspended na raw ang mga kontrata ng lahat ng Kapamlya stars. Base sa ulat ng naturang news organization, hanggang katapusan na lang daw ng Agosto sasahod ang mga artsita at empleyado sa naturang kumpanya.

Pinapayagan na raw ang Kapamilya talents na tumaggap ngmga projects sa labas na kanilang network basta lang daw.

Sa ngayon daw ay nagdedesisyon na ang pamunuan ng istasyon kung paano sila magtatanggal ng mga manggagawa. Ilang sa mga tinitignan nilang hakbang ay ang retrenchment, Manpower Reduction Program (MRP), No Work No pay o Shutdown.

Kwento pa ng source sa Philstar, wala daw balak ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta ang kumpanya. Mas pipiliin na lang daw na isara ang network ng tuluyan.

Ang ABS-CBN ay dumadaan ngayon sa matinding suliranin matapos ipag-utos ng National Telecommunicaiton Commission (NTC) na huminto ito sa pag-ere dahil sa pasong prangkisa noong umpisa ng Mayo. Kamakailan lang ay pinatigil na rin ng NTC ang SKy Direct at TV Plus ng ABS-CBN.

Sa isinasagawang pagdinig ng kongreso para sa legislative franchise ng istasyon, may mga karagdagang pa ang nakalkal laban sa network. Ilan dito ay ang mga labor laws violation ngkumpanya at tax avoidance scheme ng istasyon.

Source: Philstar | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: