Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Kontrolin mo iyang Bibig mo” DU30, Binanatan si Poe!

Hindi a nakapagtimpi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginagawang pagpigil ni Senadora Grace Poe na mabigyan siya ng emergency powers para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa isang banat, pinaalalahanan ni Presidente Duterte ang senadora na hindi lahat ng tao ay dapat pagdudahan.

“Grace, hindi lahat ng tao dito sa mundong ito ay magnanakaw. Better control your mouth, na (parang) holier-than-thou ka,” buwelta ni Presidente Duterte.

Magugunita na kaninang umaga sa pagdinig sa senado ay nagkasagutan si Poe at ang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade patungkol sa isyu ng pagbibigay ng emergency power sa Presidente.

Sa opening speech ni Tugade, iginiit ng kalihim na kung sana ay nabigyan agad ng emergency powers si Pangulong Duterte sa unang tatlong tao nito ay mas marami sanang nagawa ang gobyerno para maresolba ang trapiko sa Metro Manila. Paliwanag pa ng kalihim, hindi daw naman pangmatagalan ang hinihiling na emergency powers.

“Kung napagbigyan lang sana ng emergency power noon, dapat ngayon nirerepaso na natin ‘yung mga nagawa. Kami ay umaasa na ngayon ay mabigyang pansin ang emergency power na aming hinihingi,” sabi ni Tugade

Ayaw naman maniwala ni Poe sa naging paliwanag nni Tugade. Pinipilit ni Poe na marami programa ang maaaring gawin ng gobyerno kahit walang emergency powers.

“There are alternative modes of procurement that is allowed under existing laws. May mga bagay na hindi kailangan ng emergency power. ‘Yung ating trains hindi kailangan ng emergency power para mag-acquire… Hindi mapapabilis, sa ngayon nga hindi nagagwa e…Meron tayong recourse sa ngayon. Kung talagang kailangan ang emergency power e bakit hindi ibibigay, pero wag sisihin na kaya hindi nagagawa ang trabaho dahil wala ‘yan,” ayon kay senadora.

Rumesbak naman agad si Tugade laban sa mga pinagsasabi ni Poe.

“Wala kaming sinasabing wala kaming nagawa. Mas marami sana kaming nagawa kung may emergency power. Ang usapin sa emergency powers ay hindi sa procurement lamang,” banat ng kalihim.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén