Local News

Korea, Nag-Donate ng 142 Motorbikes sa PNP

Korea, Nag-Donate ng 142 Motorbikes sa PNP

Pumalo sa 142 na motorbikes ang binigayna donasyon ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) sa Philippine National Police (PNP) upang lalong mapaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad.

Ang mga bagong motrsiklo ay ipamamahagi sa Metro Manila, Angeles City, Baguio City, Cebu City at Davao City para lubos na mapalakas ang pwersa ng kapulisan at mapabuti ang visibility efforts ng alagad ng batas.

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng Korea na sina Korean Ambassador H.E Han Dong-Man at Commissioner General of the Korea National Police Agency Min Gab-Ryong. Naroroon din sina Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Aňo at PNP Chief, Police General Oscar Albayalde para saksihan ang pagtu-turn over ng mga nasabing sasakyan.

“This is a noble move of our Korean counterparts as the PNP is stern to provide immediate response to incidents and crime in cities,” sabi ni Albayalde.

Ang pagkakaintinidhan sa pagitan ng PNP at ng Korean Embassy para palaksin ang kampanya ng PNP laban sa kriminalidad ay pinirmahan noong pang Hulyo 12, 2017. Ang mga naturang motor ay ang huling bahagi ng equipment support na matatanggap ng ating kapuisan sa ilalim ng proyektong may pamagat na “Enhancing the Criminal Capability of the Philippine National Police”.

Magugunita na noong 2017 ay nag-donate din ang bansang Japan ng mga Mitsubishi Montero Sport upang magamit bilang mobile ng mga kapulisan. Umabot sa 87 na units ng monetro ang ipinagkaloob noon ng Japanese Government sa ating mga alagad ng batas.

Matatandaang din na noong 2018 ay nagbigay naman ang Hyundai ng 30 brand new Elantra and Starex units sa PNP.Ito ay nangyari sa pagkikipagtulungan na rin ng Korean National Police Agency (KNPA) at ng Korea International Cooperation Agency (Koica). Ginawa naman ang seremonya sa Camp Karingal sa lungsod ng Quezon.

Source: PNP-PIO | Top Gear Ph
| Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén