Local News

“Korte Magsasabi kung Sino Nanalo, Hindi Kayo!” Atty Trixie, Sinupalpal ang Leni Camp!

Kahapon ay muli na namang ipinagpaliban ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pag-anunsyo sa initial result sa electoral protest ni former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo. Pero hindi napigilan ni Robredo na sabihin na siya na agad ang nanalo.

“Tapos na ‘yung eleksyon, prinoclaim tayo ng Kongreso, ‘yung resulta nanggaling sa Comelec (Commission on Elections), prinoclaim tayo ng Kongreso, panalo tayo. Nagkaroon ng recount, panalo ulit tayo. So, ilang panalo pa ang kailangan para maniwala siya na hindi siya ‘yung nanalo?” boladas ni Leni.

Nag-post din sa social media ang spokesperson ni Leni na si Attorney Barry Gutierrez ng tila pang-aasar sa kabilang kampo.

“Paminsan-minsan, dapat sinusunog ang umeepal 🔥🤷🏻‍♂️ #LabanLeni,” ayuda ni Gutierrez .

Pero ayon sa public information chief ng Korte Suprema na si Atty. Brian Hosaka, patuloy pa rin daw masusing pag-uusap ng mga miyembro ng tribunal sa kaso at hinihintay pa rin daw ang initial result.

“The said case remains pending and is still being deliberated [on] by members of the tribunal,” sabi ni Atty. Hosaka

Hindi tuloy napigilan ng pro-government blogger at lawyer na si Atty. Trixie Cruz-Angles na butatain ang kampo ni Leni. Ipinaalala ni Atty. Trixie na ang korte ang magsasabi kung sino ang nanalo at hindi ang kampo ni Leni.

“Mawalang galang na lang po, pero si Mrs. Robredo ang dapat sinisindihan, sinusunog at inaasinan ang abo. Akalain nyong sabihin niyan “nanalo” siya sa recount?

Ang term na “panalo” kasi a isang konklusyon na mgagawa lang matapos ma evaluate ang mga observations sa revision of ballots.Kahit mas marami pang balota ang may pangalang Robredo, hindi ibig sabihin nito ay panalo siya. Iaapreciate pa yung findings, kaya nga piagkukumento sila para i-argue ito.

Ang HUKUMAN lang po ang pwedeng magsabi with finality kung sino ang nanalo.

Kaya sana ma contempt siya ng Presidential Electoral Tribunal at IKULONG siya for trying to MISLEAD the public into believing na panalo siya.

Pinagkukumento pa lang kayo, Madame. Malayo ka pa sa kusina, umaariba ka na ng mga konklusyon mo,” resbak ni Atty. Trixie.

Source: Luminous | Barry Gutierrez | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén