Local News

Kotong ng NPA, Ginagastos ba sa Anak? Zarate, Binisto ni President Duterte!

Sa kaniyang public address kagabi, isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ntukalasan ng gobyerno laban kay Bayan Muna Congressman Carlos Zarate.

Binunyag ng Presidente na ang anak ni Zarate ay bumabiyahe sa iba’t-ibang parte ng Europa. Kinuwestiyon din ng Pangulo kung saan kinukuha ni Zarate ang pinangtutustos sa edukasyon ng anak nito.

“Pati… I just would like to beg the indulgence of Secretary Año, you’re next but isingit ko na lang ito, sir. Itong komunista kasi… I’d like to — I’d like to call the attention of Carlos Isagani Zarate, he’s a congressman. Adre, may anak ka na nag-aaral sa Europe. And sinasabi mo na si Xandro, ‘yung anak mo, ginagastusan ni — ng lola.

You know, baka sabi mo talaga maloloko mo ang Pilipino, lalo na ang — kami dito. Ang lola mo tinignan namin ang ano, matanda na wala namang propedad, walang income. Paano makagasto ng — ?

Education niya is John Paul II Catholic University of Lublin in Poland, Bachelor’s Degree in Philosophy. Pero dito mayroon dito, he has been traveling all over Europe. He has been to Turkey twice, I think, and hindi ko na makita ‘yung page. He has been flying all over Europe.

At saka kung ang suweldo mo, Zarate, iyan ang ginagastos mo para sa anak mo, pinapasa mo doon sa nanay mo na matanda na, eh you’re pulling everybody’s leg. Huwag mo kaming bolahin. Baka kaya siguro ang ginagastos mo ‘yung pera ng kinokolekta ng mga NPA dito.

Hindi nila alam na sila, ang kinokolekta nila, pumupunta doon ‘yan sa mga lider mga malaki ang kita. Tapos sila, hirap. Iyan ang problema diyan sa mga NPA. Nagpapaloko kasi kayo. Alam mo ‘yang koleksyon ninyo, mga siguro 30 percent lang ang maiwan para sa mga suweldo-suweldo ninyo.

Karamihan niyan magpunta doon sa mga lider at sila ang may pera. Kaya nga makapag-ano ng — makapag-aral eh. Itong ano… Abugado itong si Zarate. Ano man ang… Si Xandro mag-Europe? Doon nag-aaral? Tapos sabihin ginagastos ng lola?

Ayaw ko na lang mag… I would not mention names. Bibiro ka kasi walang income ang nanay mo, matanda na. So ikaw talaga ‘yan kay anak mo ‘yan. I would not want to go into remittances kasi… Well, we have a way of knowing. Pero alam namin na you send regularly money to your son.

Pakisagot lang po. Kaya ikaw you have an incongruity sa iyong ideology. Kunwari galit ka sa mga mayaman. Kunwari galit ka sa mga hindi nagbabayad ng wastong buwis, nagfa-falsify ng mga properties nila.

Ito si Zarate, komunista. Ito si Zarate, wala daw silang pera. Ito si Zarate, nagpapa-aral ng anak niya. Ang perang ginagamit, kasi wala mang ibang source of income, tinitignan namin oh bulto. Hinahanap namin ‘yan sa buhay mo. Ito oh. Galing high school ka. Nandito lahat ng buhay mo pati birth certificate mo. Lahat na.”

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: