Local News

Kris, Sapul kay TP! “Ninakawan ka ng P40 Million! Bakit P1.2 Million lang Kinaso mo?”

Sari-saring kontrobersiya ang kinasasangkutan ni former presidential sister Kris Aquino nitong nagdaang mga araw. Matapos pumutok ang isyu na nagpopondo siya ng mga anti-government bloggers, hanggang kumalat ang leaked phone conversations kung saan pinagbantaan niya na ipapatay ang dati niyang financial manager na si Nicko Falcis. Matatandaang naging laman ng balita kamakailan lang ang paghahabla ni Kris kay Nicko dahil ninakawan daw siya nito ng P40 million. Ngayon, isang tanong ang ipinukol ng pro-government blogger na si RJ Nieto aka ThinkingPinoy kay Kris.

Sa isang social media post, tinanong ni ThinkingPinoy kung bakit P1.2 million lang ang ikinaso ni Kris sa dati nitong financial manager pero P40 million ang sinasabing ninakaw umano sa kanya.

Sa ilang panayam kay Nicko, mariin niyang itinatanggi ang mga akusasyon ni Kris laban sa kanya.

Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging tanong ni TP tungkol sa isyu ni Kris kay Nicko.

Source: ThinkingPinoy

Leave a Reply