Local News

‘Kulelat sa Survey pero Pinag-aaksayan niyo ako ng Panahon!’- Leni

Sa kaniyang programa sa radyo, bumoladas si Vice President Leni RObnredo laban sa kaniyang mga kritiko. Patudsada ni Robredo, kung totoong kulelat siya sa survey bakit binibigyan pa rin daw siya ng pansin ng mga bumabatikos sa kaniya.

“Nagugulat ako kasi sinasabi nila ‘Kulelat sa survey’, ‘Wala ‘yan, hindi ‘yan mananalo’. Eh, bakit pinag-aaksayahan nila ako ng panahon… Ang pag-aksayahan nila ng panahon yung mataas sa survey… Ang baba ko naman sa survey, bakit kayo maggagastos… Ang daming gumagastos kasi nananahod yung marami eh. Bakit pinagkakagastusan niyo ako… Bayaan niyo na lang magtrabaho. Tutal sabi niyo wala naman akong pag-asang manalo sa eleksyon, magtrabaho na lang nang maayos, bakit niyo ako pag-aaksayahan ng panahon… Ang dami nilang binuhos na pera para siraan ako pero andito pa rin tayo, nakakatulong pa rin tayo, yun naman ang mahalaga,” boladas ni Robredo.

Magugunita na noong Disyembre ay nagsagawa ng survey ang Pulse Asia kung saan lumitaw na si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte nangunguna, sinundan ito ni former Senator Ferdinand Marcos, Senator Grace Poe, Manila Mayor Isko Moreno, at Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao. Si Robredo lumagapak sa ika-6 na pwesto.

Source: Tribune | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén