Local News

Kumambiyo ba? Gov. Remulla, Hindi daw Komunista Matapos Baklasin ang Anti-NPA Posters sa Cavite!

Matapos makasagutan sa social media si Lt. General Antonio Parlade, itinanggi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na siya ay sumusuporta sa komunismo.

Magugunita na nag-ugat ang patutsadahan ng dalawang personalidad nang bigla na lang bumoladas si Remulla laban sa heneral ukol sa isyu ng red-tagging at sa paglalagay ng anti-npa posters. Inakusahan kasi ni Remulla si Parlade na may pakana ng paglalagay ng anti-NPA tarps.

Ang mga akusasyon ni Remulla ay agad sinopla ni Parlade. Banat ng heneral sa gobernardo, bakit hindi na lang siya tinawagan ni Remulla at dinaan pa sa Facebook ang mga patutsada nito. Ayon pa kay Parlade, hindi siya duwag tulad ng iba.

Matapos punahin ng ilang netizens natin ang mga pinagsasabi ni Remulla laban kay Parlade, naglabas na ng pahayag ang gobernador at itinatatuwa na siya ay sumusuporta sa komunista.

“Nitong nakaraang linggo ay mariin akong tumutol sa isyu ng “red-tagging.”
This is because I believe that red-tagging people in a very public manner is unfair, unjust and downright cruel.
It puts people’s lives and security at risk, not to mention the unthinkable damage to one’s reputation.

Kailanman ay hindi magbabago ang aking pananaw at paninindigan na ipaglaban ang karapatang pantao.
Hindi yata kakayanin ng konsensya ko ang manahimik habang ang mga taong walang kalaban laban ay tinatakot, pilit na ginigipit at pinagmamalupitan.

FACTS

I am also aware that there are a few wrong impressions about me, due to my positioning on many issues.
Let me set the record straight:

1. I am a staunch ANTI-COMMUNIST. I do not believe in inciting rebellion nor using terrorism as a means of forcing a change in government. The constitution may not be perfect, but I am duty bound to support and follow it.

2. I am a PROGRESSIVE. I believe that the role of government is to effect change for the better and to administer the power of the state for good.

3. I believe in dissent as long as it is PEACEFUL. I always make it a point to listen and to reflect. I may seldom agree but I always pick up INSIGHTS relative to what people believe in and/or are fighting for.

4. I believe in GENDER equality. I believe that empowering women will fundamentally drive better and more sustainable development outcomes for all, including placing the world back on a footing to achieve more.

5. Lastly, I believe in our Chief Executive, Rody Duterte.

Regardless of what critics say, I consider the President a PATRIOT. I believe he is sincere in his sworn duty to serve the people. Yes, marami siyang pagkukulang. Ngunit ako ay naniniwala na ang kanyang liderato ay itinakda ng tadhana. Hindi siya pipiliin ng nakararami at pagpapalain ng Diyos kung hindi tunay ang kanyang adhikain at pagmamahal sa bayan.

Mayroon pa tayong 18 na buwan bago pumili ng bagong lider ng bayan.

Ako po ay mananatili sa Cavite kung gugustuhin pa rin ako ng mga tao.

I join all of you in discerning and choosing the next crop of leaders who will point us in the direction to achieve collective ACTION. Thus, it is my hope that our prayers for a better tomorrow be answered”

Si Parlade ay spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Si Pangulong Duterte naman ang chairman ng nasabing task force.

Source: Jonvic Remulla

Leave a Reply

Theme by Anders Norén