Local News

Kumambyo ba siya? Wala akong Sinabing “Massive Failure” ang Drug War sa Kabuuan – Leni

Ilang araw matapos punahin ng ilang government officials at netizens ang boladas ni Vice President Leni RObredo na “massive failure” ang kampanya kontra-droga ng administrasyong Duterte, naglabas ngayong ng paglilinaw ang pangalanwang pangulo kaugnay sa ulat na iwinagayway niyang ulat nitong unang bahagi ng Enero.

Ayon kay Robredo, wala daw siyang binanggit na ang buong kampanya kontra-droga ang “massive failure” kundi ang “supply side” lang.

“Iyong sinasabi nila na ‘massive failure,’ kung binasa nila yung report, makikita nila na yung sinabi ko lang na massive failure yung supply side at hindi iyong buong kampanya,” dagdag ni Robredo.

Ipinagpipilitan din ni Robredo na ang datos na kanyang pinagbasehan ay galing din sa pamahalaan.

“Ang sinasabi ko lang doon na ‘massive failure’ ay yung supply side and ang datos galing din naman sa kanila, at sila iyong nag bigay sa akin ng datos na ilan na ‘yung nasamsam, galing din sa pulis… Tingin ko ‘yung lahat na tinutuligsa yung report, n’ung tinutuligsa nila ito, di pa nila nababasa,,” dagdag ni Robredo.

Magugunita na binanggit ng Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ang datos ni Robredo ay mula sa “wild guess” ng police official.

“It’s even conservative compared with the estimate of the PDEA… Nobody can really tell, that’s why we just had a discussion to really have an appreciation on how big the problem is,” paliwanag ni spokesman Banac tungkol sa datos ni Robredo.

Nanindigan din si Robredo na walang halong pulitika sa kanyang ulat.

“Kapag binasa mo iyong report, walang pulitika doon. Pag binasa mo iyong report, talagang lahat iyon rekomendasyon… Dapat mas mahaba iyon, pero inalis namin yung mga ‘di namin na vet na figures kung official. Halimbawa, yung mga extrajudicial killings…wala doon [sa report] kasi wala kaming mahanap na official data,” ani Robredo.

Source: Manila Bulletin | Philstar | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén