Local News

Panoorin: “Kumita ng Hundred Billion Pesos ang Mandarambong na Water Companies!” – Congressman Atienza

“Hindi niya hinayaang magtagumpay ang hayok na pandarambong nitong dalawang concessionaires na ito,”

Ganito ang naging talumpati ni Buhay Partylist Congressman Lito Atienza sa ginawang pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dehadong kontrata ng nakaraang administrasyon sa mga water concessionaires.

Ayon kay Congressman Atienza, suportado nila ang gagawing hakbang ng Presidente sa dalawang kunpanya. Binunyag din niya na dati siyang hindi naniniwala kay Pangulong Duterte pero nag-iba daw ang opinyon niya sa Presdiente nang tindigan ang mga oligarchs na may-ari ng mga water utility companies.

“We stand today in support of our President. Ako man ay nagkulang sa umpisa na hindi ko na pinaniniwalaan ang lahat ng sinasabi ng Pangulo. Sa araw na ito, nakayuko po ang inyong lingkod at sumasaludo ng dalawang kamay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa katapatan sa badila at katapatan sa mamamayan… And we oath to support the President here,” paliwanag ni Congressman Atienza.

Ibinunyag din ng kongresista na kumita na raw ng daang bilyon ang dalawang kumpanya at may mga records na nakuha siya ukol dito.

“We must require this two water concessionaires to produce all the records. Because they claimed that they were using money and they were not able to collect enough to sustain their operation. Yung ang kanilang ginamit sa Singapore (Arbitral Court). I have here the records of the Philippine Stock Exchange. They have been making hundreds of billion of pesos at the expense of all of us Filipinos,” rebelasyon pa ni Congressman Atienza.

Kamakailan lang ay naglabas ng hatol ang Singapore Court of Arbitration upang pagbayarin ang pamahalaan ng Pilipinas ng danyos na aabot sa P7.39 billion sa Manila Water dahil umano daw ito sa pagkalugi ng kumpanya nang hindi payagan ng gobyerno na magtaas ng singil sa tubig. Pinababayaran din ng parehas na korte ang Pilipinas ng P3.4 billion sa Maynilad.

Source: House of Congress via Boses ng Pilipino | Inquirer| ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén