Local News

“Kumukulo ang Dugo ko Sa’yo” Atty. Glenn Chong, Binanatan si Albayalde

“Kumukulo talaga ang dugo ko sa heneral na ito,”

Ganito ang naging pahayag ni Attorney Glenn Chong laban kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde nang magbigay ang heneral ng komento tungkol sa cover-up. Si Albayalde ay nasa gitna ngayon ng kontrobersiya matapos inguso ni former Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong na nakinabang umano sa maanomalyang anti-drugs operation sa Pampanga noong 2013.

Ipinaalala ni Chong kay Albayalde ang kaso ng pagpaslang sa dating aide na si Richard Santillan. Ayon kay Chong, si Albayalde mismo ang numero uno na nag cover-up sa kaso ni Santillan.

Base sa pahayag ni Chong, ilang beses daw siyang sumulat kay Albayalde tungkol sa kaso ni Santillan pero hindi daw sumagot ang PNP Chief.

“Hinihingi ko yung picture ng crime scene. ‘Yung mga picture ng bangkay ni Richard Santillan sa xrime scene dahil may ebidensiya doon at gagamitin ko laban sa iyong mga tauhan. Anong ginawa o Albayalde? Inarbor mo ang mga tao mo. Hindi mo binigay sa amin. Dalawang beses kitang sinulatan. Sinagot mo ba ako? Hindi…. Malinaw sa Republic Act 6713, Section 5 Paragraph A , pag may sulat ang publiko, 15 days sagutin mo dapat iyan.. Tapos sasabihin iya na walang cover-up sa mga tauhan. Itong pictures nga lang ni Santillan ay ayaw pang ibigay,” banat ni Chong.

Kakasuhan daw dapat ni Chong si Albayalde pero pinigilan daw siya ng mga kaibigan niya. Para kay Chong, wala daw puwang sa PNP si Albayalde. Demoralisado na rin daw ang mga pulis dahil kay Albayalde.

Naalala din ni Chong kung paano siya kinuwestiyon ni Albayalde tungkol sa “pag-iingay” niya sa kaso ni Santillan. Ang sagot ni Chong, kinakapatid niya si Santillan. Banat ni Chong, inaabot na raw ng karma ang opisyal ng PNP. Gusto rin ni Chong na mabitiw na sa pwesto si Albayalde.

Source: Glenn Chong via Ang Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén