Local News

Panoorin: ‘Kundinahin niyo ang NPA para Di namin kayo Ikonekta sa Kanila’ – Defense Sec. Lorenzana

“Condemn the CPP-NPA, stop these atrocities, condemn ‘yung armed struggle na sinasabi ni Joma Sison and we will also stop what we are doing,”

Ganito ang naging patutsada ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nang makaharap niya kanina sa pagdinig sa kongreso ang ilang kongresista na kabilang sa makakaliwa na Makabayan Bloc para pag-usapan ang budget ng ahensiya. Umaalma ang Makabayan bloc sa “red-tagging” o pagkonekta sa kanila sa mga armadong rebelde na New People’s Army (NPA).

Ang mga dumalo sa hanay ng Makabayan bloc sa congressional hearing ay sina Bayan Muna Partlylist Congressman Carlos Zarate, Kabataan Partylist Representative Sarah Elago at ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro. Magugunita na isa si Castro sa inakusahan na nandukot ng mga kabataang lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte noong Disyembre ng nakaraang taon.

Para kay Lorenzana, kapuna-puna ang pagiging tahimik ng Makabaya bloc pag may ginagawang kabalbalan at kabalastugan ang mga NPA.

“It’s our job to protect the country from dismemberment, rebellion, that’s why we are fighting the CPP-NPA. I would like the Makabayan Bloc, condemn the CPP-NPA. Hindi niyo kino-condemn eh,” buwelta ni Sec. Lorenzana

Pinuna rin ni Lorenzana ang presensiya ng watawat ng NPA tuwing may rally ang mga leftist groups.

“Nakikita namin diyan na kapag may nagra-rally diyan, meron diyan ‘yung CPP-NPA na flag, ‘yung sickle and hammer. Nandoon din ‘yun ibang grupo. So ano ang pagkakaintindi namin diyan? They are supporting CPP-NPA,” dagdag pa ng kalihim.

Banat pa ng Kalihim, hindi nagsimula sa hanay ng militar ang red-tagging sa Makabayan bloc kundi mismong si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison daw na nagsabi na ang Makabayan groups ay kabilang sa front organizations ng CPP-NPA.

“Kung saan marami ‘yung NPA, nandoon din kayo, nagtatayo kayo ng mga activities niyo doon. You do not condemn the killings, atrocities of the CPP-NPA,” sabi ni Lorenzana.

Panoorin ang kabuuan ng congress hearing.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén