Local News

‘Kung ang Pagkain ay Essential, at Lugaw ay Pagkain, Samakatuwid Lugaw Is Essential!’ Grab, Nagsalita na sa isyu!

Kumakalat ngayon ang video ng babaeng palpak sa pagpapatupad ng curfew. Sa nasabing video, maririnig ang babae na pinagagalitan ang delivery rider dahil sa pagde-deliver nito ng lugaw.

Ayon sa babae, hindi daw kasama ang lugaw sa mga essentials.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Agad naman nilinaw ng delivery company na Grab ang tungkol sa patakaran ng Inter-Agency Task Force. Pinagagamit din ng Grab ang mga customer ng promo code na “LUGAWISESSENTIAL” para maka-libre sa delivery.

“Let’s give thanks to all our Grab riders na tuloy lang sa paghatid ng ating essential needs and for always following rules and guidelines whenever, wherever! Saludo po kami sa inyo, our kuyas and ates! Use LUGAWISESSENTIAL to get free delivery on your GrabFood order!” sabi ng Grab.

Nagsalita na rin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago tungkol sa isyu.

“Tatlong sunod na araw pa naman ako nag lugaw pero nakapag deliver naman sila Lugaw Republic, Goto Pilipinas, Three J Lugawan at Via Mare through GRAB. Allowed ang 24/7 operations para sa mga deliveries lalo na sa pagkain.
Essential ba ang lugaw? OO KASI PAGKAIN YUN,” sabi ni Pialago.

Source: Grab | 1 | 2 | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén