Local News

Kung ayaw ni DU30, Ako ang Mangunguna sa Bakuna! – Leni

Muli na naman kumuda ang kulelat sa survey na si Vice President Leni Robredo. Sa kaniyang bagong putak, may pasaring na naman kay President Rodrigo Roa Duterte. Kuda ni Robredo, kung ayaw daw ng Pangulong Duterte na pangunahan ang pagpapabakuna,siya daw ay handa.

“Iyong sinasabi lang natin, mahalaga kasi na iyong Pangulo talaga iyong manguna. Kung ayaw niya, ako, willing naman ako na manguna,” boladas ni Robredo.

HIndi lang ito ang unang pagkakataon na isinulong ni Robredo ang isyu ng pagpapabakuna ni Pangulong Duterte.

“Sobrang popular ni Pangulo, so makakatulong sana to boost ‘yung confidence ng ating mga kababayan kung makikita siya (na magpapabakuna). Makakatulong na kung sino ‘yung tinitingala nila eh makita nila, ipakita sa kanila na walang dapat ipingamba,” kuda pa noon ni Robredo.

Magugunita naman na sinabi na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang problema sa Presidente na magpa-bakuna pero ito ay gagawin ng Pangulong Duterte sa pribadong okasyon.

“he said it does not have to be shown to the public. He is taking the route of the British sovereign because the decision of Queen Elizabeth and her husband was to make their vaccination private,” sabi ni Roque.

Source: Abogado | Inquirer | Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén