Local News

“Kung di ako SolGen, IPAPAKAIN ko sa iyo ang sinabi mo!” Calida, Sinopla si Coco Martin!

Noong unang bahagi ng Mayo ay naglabas ang National Telecommunication Commission (NTC) ng cease and desist order (CDO) laban sa ABS-CBN upang tumigil sa pagbp=brodcast. Ito ay sa kadahilananag paso na ang prangkisa ng Kapamilya network.

Dahil sa naging hakbang ng gobyerno, nagsalita ang mga malalaking artista ng istasyon upang kundinahin ang naging desisyon ng NTC. Isa sa mga nagsalita ay si Coco Martin, ang bida sa programang “Ang Probinsyano”. Magugunita na sa rant ni Martin ay pinasaringan nito ang pamahalaan.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!” bolada ni Coco.

Hindi naman pinalampas ni Solicitor General Jose Calida ang mga pinagsasabi ni Coco. Sa kanyang statment para sa kongreso, may matindi itong banat laban sa mga artista ng ABS-CBN.

“Stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceived to be oppression on the part of the government. In desperation, they would want to use their influence over their multitudes of fans to muddle the issue and drum up support for their network. If I had not been the SolGen, I would have called [Coco Martin’s] bluff anf make him eat his words,” buwelta ni Calida.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: