Local News

Kung gusto niyong baguhin ang Pilipinas, Bumoto sa 2022! – Actress Ruffa Gutierrez

May payo si Ruffa Gutierrez sa mga may bumabatikos sa mga opisyal ng gobyerno. Ayon sa aktres, dapat daw bumoto sa susunod na eleksyon upang mabago ang takbo ng Pilipinas.

“Malapit na po ang 2022. If you keep complaining about our government and want change in the Philippines, then you should exercise your right to vote for out country’s leader,” patutsada ni Ruffa.

Isa si Ruffa sa nananawagan na ibalik ang ABS-CBN sa ere. Sa katunayan, nagbahagi pa ito ng online petition sa kanyang social media account noong Mayo para umere muli ang Kapamilya network.

Ang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez ay kasalukuyang talent ng ABS-CBN.

Matatandaang binatikos ni Ruffa ang naging hearing sa kongreso patungkol sa ABS-CBN franchise.

“Just turned in to the hearing about ABS-CBN. If you can only hear the comments of the people around me regardig these lawmakers questioning Mr. Gabby Lopez. Can’t print them. Paikot ikot itko kasi mga tanong since last week. Waste of airtime. Your thoughts?” saad ni Ruffa.

Ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ay bumatikos naman kay Congressman Rodante Marcoleta dahil sa panggigisa nito sa mga ABS-CBN officials sa mga naging hearing sa mababang kapulungan.

“Pwede ba lahat ng congressman na walang alam sa itatanong, tumahimik na lang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa congress. Nakakahiya at nakakabwisiy manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo. Lahat kayo gusto lang mag-starring sa TV,” angal ni Rama.

Source: News5 | Ruffa Gutierrez | News5 | Ruffa Gutierrez’s Twitter

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: