Local News

‘Kung Hindi Malaki ang Perang Tatanggapin mo, Hindi ka Siguro Pupunta’ Paquiao, Boljak kay Pastor Quiboloy

Sapul kay Pastor Apollo Quiboloy ang mga paandar ni Senador Manny Pacquiao laban sa Duterte Administration.

Binira ni Quiboloy ang mga bugkos-bugkos na papel na iprinisinta ni Pacquiao sa media kamakailan bilang patunay umano ng korapsyon sa pamahalaan.

Kinuwestiyon din ni Quiboloy ang prayoridad n Pacquiao sa kalagitnaan ng mga alegasyon nito laban sa gobyerno.

Naging laman ng balita kamakailan si pacquiao dahil sa mga bintang nito laban sa Duterte Administration. Magugunita na kumalat sa social media ang video ni Pacquiao kung saan sinabi niya na mas malala ang korapsyon sa kasalukuyang pamahalaan kumpara sa mga dating administrasyon. Ilan sa mga departamentong inakusahan ni Pacquiao na mayh nagaganap na korapsyon ay ang Department of Health at Department of Social Welfare and Development.

Dahil sa mga akusasyon ni Pacquiao sa Duterte Administration, may ilang government supporters ang kumuwestiyon kung paano natapos ng senador ang kurso nitong Political Science sa loob ng maiksing panahon.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: