Local News

‘Kung Ice-certify as Urgent ni DU30, Pasado ang ABS-CBN Franchise sa Congress’ – Karen Davila

Nitong nakaraang mga araw ay nag-viral ang panayam ni ABS-CBN News Channel Host kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Magugunita na sa nasabing panayam ay prinangka ng husto ni Secretary Panelo si Davila kaugnay sa mga pinagagagawa ng kumpanyanyang pinagtatrabahuan ni Davila.

Sa isang bahagi ng panayam, kinuwestiyon ni Davila ang paghingi ng “cue” ng kongreso kay Pangulong Duterte para maipasa ang legislative franchise ng ABS-CBN.

Resbak ni Panelo, dapat gawin ng kongreso ang trabaho nito. At para naman sa mga kritiko ng Presidente, ‘wag daw palabasin na kagagawan ng Pangulong Duterte ang nangyayari sa ABS-CBN.

“You are barking at the wrong tree. Palaging parang ang pinalalabas niyo eh, si Presidente ang may kagagawan ng kung hindi ma-renew o hindi (ang ABS-CBN) franchise, certainly not… The President made utterances against ABS-CBN. He made certain statements like, ‘I will shut down’, but hindi naman literal yun eh. He want to shutdown the fraudulent practices of your network. Hindi ba? During the campaign, nagbayad siya pero hindi inere (ang campaign advertisement). May TRO against Trillanes’ black propaganda. Sinunod niyo ba? Hindi. ‘Yun ang kinagagalit ni Presidente. ‘Yung mga ganoong klaseng practices, kaya siya nagalit. You can not deprived this man from expressing his displeasure, disgust or anger when his the victim of fraud,” buwelta pa ni Sec. Panelo.

Sa kanyang social media account, bumanat naman si Davila na maaari naman daw maipasa ang prangkisa ng kanyang network kung ice-certify ni Pangulong Duterte.

“YES…there are separation of powers, but the TRUTH of the matter is: ‘Congress can pass ABS-CBN franchise if Duterte certifies it as urgent – lawmaker’,” sabi ni Davila.

“The TRUTH of the MATTER. Whatever Malacanang says about the separation of powers, lawmakers say the lower house will move if President Duterte says so,” ani Davila sa hiwalay na post.

May patutsada pa si Davila at gumamit ng lumang kawikaan.

“Old Filipino saying rings true, ‘Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan'”,” boladas ni Davila.

Magugunita na ilang beses na nang sinabi ni Pangulong Duterte ang mga kasalanan diumano sa kanya ng ABS-CBN. Isa na dito ay ang hindi pag-e-ere ng kayang campaign ads noong 2016 election kahit na tinaggap ng istasyon ang kanyang ibinayad. Hindi rin nagustuhan ni Pangulong Duterte ang pagpapalabas ng anti-DUterte ads kung saan mga bata ang pinagsasalita laban sa kanya. Ang nasabing ads ay pinondohan ni former Senator Antonio Trillanes.

Source: ANC 24/7 | 1 | 2 | 3 | Archive | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén