Local News

Kung may Arrest Warrant Dapat Humingi pa ng Paalam sa UP? AFP, Kunwestiyon ang UP-DND Accord!

Nitong nagdaang mga araw ay naging usapin ang pagbasura ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na pigilan ang mga sundalo o pulis na pumasok sa campus ng paaralan nang walang abiso sa pamunuan ng unibersidad.

Dahil sa naging hakbang ng DND ay may ilang sektor ang umaalma.

Pero nanindigan ang militar sa naging pasya ng DND. Kinuwestiyon ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo ang panuntunan sa UP-DND accord na kailangan pang magpaalam pa sa pamunuan ng eskwelahan kahit na may search warrant pa.

“Paano na lamang po kung mayroong shabu laboratory, for instance, sa loob ng University of the Philippines community or campus, and then mayroon po tayong valid arrest warrant at search warrant? Ang hinihingi po ng agreement na ito, kailangang dadaan muna tayo sa UP administration upang ipaalam… and it violates the rules of court,” sabi ni Maj. Gen. Arevalo.

Ipinaliwanag kamakailan ni Defense Secretary na kaya nila ibinasura ang UP-DND accord ay dahil sa recruitment ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (NPA) sa loob ng UP.

“The agreement has become obsolete… University of the Philippines has become the breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government…The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Source: News5 | GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén