Local News

‘Kung may Contest ng Bobong Ideya, Mananalo si Grace Poe’ – Manila Times Columnist

Itong nagdaang hearing para sa 2020 budget ng Department of Transportation (DOTr), iminungkahi ni Senadora Grace Poe na magkaroon ng Business Class section ang MRT-3 line.

Itinulad ni Poe ang konsepto sa premium seats sa mga eroplano. Sa business class seats ng mga eroplano, mas malaki ang espasyo ng leg room para sa pasahero at may mga karadagang pribilehiyo tulad ng on-board entertainment system at priority exits.

Kaakibat na mas magandang serbisyo sa iminumungkahing Business Class seat ng MRT-3 ay ang mas mahal daw na pamasahe. Sa tingin ni Poe pwede itaas ang pamasahe sa proposed Business class section ng MRT sa P200 hanggang P300.

“Mayroong isang nagsabi sa akin, ewan ko if this is something you would consider… na habang ginagawa niyo ‘yung Dalian trains, baka pwedeng (maglagay ng) a few specific coaches or trains that are designated as a business coach,” sabi ng senadora.

Ayon kay Poe, ang target market ng iminumungkahi niyang business class section ay ang mga nagmamay-ari ng mga pribadong sasakyan.

Ang mungkahi na ito ni Senadora Poe ay hindi pinalagpas ng Manila Times columnist na si Ben Kritz. Ayon sa pamagat ng column ni Kritz, kung mayroong daw patimpalak sa mga bobong ideya ay mananalo daw itong si Poe.

Isa din daw ehemplo si Poe kung bakit hindi dapat pinapayagan ang mga taong walang alam sa mass transit na bumalangkas ng transportation policy. “Well-deserved” din daw ang sinapit ni Poe na pangungutya mula sa publiko dahil sa inilutang nito na ideya.

“SENATOR Grace Poe is the perfect example of why people who have no more knowledge of mass transit other than that it is “a thing that exists” should not be allowed to help formulate, or for that matter, even casually comment on transportation policy,” sabi ni Kritz.

Ayon kay Kritz, kung sakaling blagyan ng business class section ang MRT, mababawasan ang mga mananakay na pwede nitong maserbisyuhan.

Source: Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén