Local News

“Kung Murahin niyo Presidente, Ganun na lang! Tapos Mananawagan kayo?” Mga Kontra sa Anti-Terror Bill, SUpalpal kay Sotto

Ipinaalala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung paano nila bastos-bastusin ang Presidente at ngayo’y nagmamakaawa ang mga ito para i-veto ang sikat anti-terrorism bill.

“Ganun ganun na lang kung murahin nila si PRRD, ngayon nananawagan sila sa kanya?” banat ni Sotto.

“Respect is an important element of personality. Whatever you give to others will return to you, with Profit”. Ganun din sa disrespect! Watch out!” dagdag pa ng Senate President.

Binuweltahan naman ni Senador Ping Lacson ang mga kritiko ng anti-terrorism bill. Resbak ng senador, nagbago na daw ang mga tono ng mga ito at pinupuna na ngayon kung paano ipapatupad ng gobyerno ang kontrobersiyal na panukala kung sakaling maging ganap na batas. Si Lacson ay isa sa mga principal authors ng anti-terrorism bill.

“Many of those opposing the anti-terrorism measure have now shifted their aim to target the implementation. They have mastered the art of argumentation – when you run out of sound reasons to argue, just say: BASTA!” banat naman ni Lacson.

Sinang-ayunan naman ni Sotto ang naging patutsada ni Lacson laban sa mga ktiriko ng anti-terror bill.

“Tama si Ping, nuong hindi umubra mga pintas nila sa laman ng bill dahil wala mga sinasabi nila, sa implementasyon naman ang target. Futuristic? Ano ba talaga?” saad ni Sotto.

Ilan sa mga meyembro ng Makabayan Bloc sa kongreso ay inuudyukan si Pangulong Duterte na i-veto ang sikat na panukalang batas.

“We challenge (President Duterte) to veto the anti-terror bill, and to instead address and focus on the pressing needs and concerns of the Filipino people amid the COVID-19 crisis,” boladas ni ACT Teachers Rep. France Castro.

Naging laman ng balita at sumikat ang panukalang batas noong i-certify ito as urgent ito ni Pangulong Duterte.

Source: Tito Sotto | Tito Sotto | Ping Lacson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: