Local News

Kung Sinuspinde ng Twitter si Trump, Suspendihin din natin si DU30! – Ex-Bayan Muna Cong. Casiño

Sinalubong agad ng kontrobersiya ang 2021 nang alisin sa social media network na Twitter ang account ni US President DOnald Trump. Ang aksyon na ito ng social media site ay nag-ugat matapos sumugod ang mga tagasuporta ni Trump sa US congress para pigilan ang sertipikasyon ng pagkapanalo ng katunggali ni Trump na si Joe Biden.

Ang pagsibak ng Twitter kay Trump ay agad na sinakyan ni former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño at ikinonekta pa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Boladas ni Casiño, mas malala pa daw ang Presidente ng Pilipinas kaya dapat din suspindihin ito.

“Trump’s “incitement to violence” via twitter is nothing compared to Duterte’s speeches. If Twitter suspended Trump for this, we should suspend Duterte for doing much worse,” sabi ni Casiño.

Dapat matandaan natin na ang Duterte Administration ay nasa kasagsagan ng pagpulbos sa rebeldeng komunista na New People’s Army (NPA). Hindi lang sa armadong bakbakan, binabanatan ng mga militar ang mga NPA, maging sa social media ay binibira na rin ng mga tropa ng gobyerno ang nasabing grupo.

Magugunita na sa isinagawang senate hearing ukol sa red-tagging ay sinabi ni Casiño na hindi niya tinuturing na kalaban ang mga NPA.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng kasalukuyang sistema,” sabi ni Casiño.

Ang NPA ay kilala sa paghahasik nila ng lagim sa kanayunan. Ilan sa mga panggigipit na ginagawa nila ay ang extortion, panununog at pagpatay.

Source: Teddy Casiño via Twitter | Senate Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén