Local News

“Kung Wala kang Alam sa Kumplikadong War on Drugs, Tumahimik ka” – Senate President Sotto

Hindi na rin nagkapagpigil si Senate President Vicente “Tito” Sotto at nagbigay na rin ng opinyon tungkol sa isyu ng pagpapatigil sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sotto na ang isyu sa droga ay isang kumplikadong krimen. At magiging palpak lang ang war on drugs kung ititigil ang kampanya ng pamahalaan.

“War vs. Drugs is ang ongoing struggle. You only fail if you stop fighting. If you know this complex crime, zip it,” banat ni Sotto.

Magugunita na sinabi ni Leni sa panayam niya sa foreign media na Reuters na dapat nang itigil ang war on drugs dahil tila hindi naman daw ito nagtatagumpay.

“We ask ourselves, ‘why is this still happening?’. The president has already made very serious threats to drug syndicates, to drug lords … and yet it’s still very prevalent, so obviously, it’s not working,” boladas ni Robredo.

“The Life of our people are in line. And the… the dignity of our country is in line. But my first call is for our government to take care of the mess that we’re in and NOT TO CONTINUE with what we have started which obviously are not working,” dagdag pa ni Robredo.

Ilang araw matapos maging usap-usapan ang negatibong komentaryo ni Leni sa war on drugs ay agad kumambyo ang bise presidente at sinabing wala daw siyang sinabi na ihinto ang giyera kontra-droga.

“Kapag tiningnan mo iyong interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba iyong strategy na ginagamit. Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. ‘Di ba… ang gustong sabihin ng “tweak,” himasin, o ibahin nang kaunti,” palusot ni Robredo.

Kinontra naman ng Reuters ang palusot ni Leni at nanindigan sa ginamit nilang headine sa kanilang balita.

“Reuters fairly and accurately represented the statement of Philippine vice president Leni Robredo, and we stand by our story published on 23 October,” sabi ng Communications Manager ng Asia Pacific Division ng Reuters na si Tyler Thia.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén