Local News

“Kung Hindi mo Alam, Wag mo Pasukin!” Chavit, Binanatan na rin si Pacquiao!

Sa ulat ng media outfit na DZRH, lumabas na nagkalamat na ang pagkakaibigan nina Senador Manny Pacquiao at former Governor Chavit Singson.

Banat ni Singson, daldal daw ng daldal si Pacquiao kahit hindi naiintindihan ang isyu. Pinayuhan niya ang boksingerong senador na mag-aral muna bago bumoladas.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may dating ka-alyado si Pacquiao na nagsalita laban sa kaniya. Nitong mga nagdaang araw ay naging sentro si Pacquiao ng pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito ay matapos sabihin ng boksingerong senador na mas malala ang korapsyon ngayon kumpara sa mga dating administrasyon.

Ayaw naman na sumasaw ni Chavit sa away n Pacquiao at Pangulong Duterte. Maski mayroon aniya siyang mga nalalaman ay hindi umano siya magsasalita laban sa senador, hindi tulad ng ginagawa umano nito laban sa kaniya

Source: DZRH | DZRH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: