Local News

‘Kung Walang Kasalanan, Bakit Hindi Sila Mag-Participate sa ICC!’ – Obispo

Para kay Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo, kung walang pagkukulang ang gobyerno, dapat itong tumulong sa imbestigasyon ng International Criminal COurt.

Banat pa ng obispo, lalabas naman sa imbestigasyon kung mayroon o walang pananagutan ang pamahalaan sa mga umano’y “crimes against humanity” kaugnay sa war on drugs ng Duterte Administration.

Naging laman ng balita nitong nagdaang araw ang naging pasya ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na ituloy ang imbetigasyon sa war on drugs ng Duterte Government. Ang hakbang na ito ni Bensouda ay agad sinopla ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC.

“Hindi ba pulitika nag dahilan kung bakit sinampa ang kasong yan? This is now a political issue. hinding-hindi mag cooperate ang Presidente hanggang tapos ng kanyang termino sa June 30, 2022… Hindi tayo pumayag na ang ICC ang magsa-substitute sa ating lokal na piskal at lokal na hukuman. Walang hadlang na maimbestigahan ang mga kasong ito sa Pilipinas… Insulto kasi sa lahat ng mga Pilipino para ang dayuhan na magsabi na ‘yung mga legal na institution sa Pilipinas ay hindi gumagana at hindi nagbibigay ng katarungan,” banat ni Roque.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: