Local News

“Kung Walang Tinatago ang DU30 Govt, Payagan nila Ang U.N. Mag-Imbestiga sa Pinas” – Bishop Pabillo

Bumanat ang simabahan laban sa gobyerno kaugnay sa naging botohan sa United Nation Human Rights Council (UNHRC).

Magugunita na 18 bansang miyembro ng HUNHRC ang pumabor sa resolusyong isinusulong ng Iceland na imbestigahan ang kampanya kontra-droga ng Administrasyon Duterte.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, kung walang itinatago ang gobyerno dapat ay payagan ng pamahalaan na makapasok sa bansa at mag-imbestiga ang mga UNHRC.

“If the government considers itself above board in its drug war it should allow itself to be investigated by an outside entity. If it does not it has something dirty to hide,” boladas ni Bishop Pabillo.

Bagamat 18 mga bansa ang sang-ayon sa imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte Administration, 14 bansa ang tumutol dito, kabilang ang China. Mayroon din nag-abstain na mga bansa na pumalo sa 15, kasama ang Japan.

Para naman kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, dapat ay respetuhin ng gobyerno ang gagawing hakbang ng UNHRC.

“The Philippines is a member of UN. Hence, our government must respect or obey the UN resolution seeking an investigation into the human rights situation in our country,” patutsada ni Bastes.

Kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aaralan niya kung papayagan ang mga UN investigators na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas.

“Let them state their purpose and I will review… Dagdag lang sila sa intriga,” sabi ni President Duterte.

Magugunita na binanatan din ni Pangulong Duterte ang Iceland, ang bansang pasimuno ng resolusyon na imbestigahan ang kampanya kontra-droga ng Pamahalaang Duterte.

“Anong problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem, you have too much ice, and there is no clear day or night there… You can understand no crime, there is no policeman either and they just go about eating ice… Itong mga g*go, you don’t understand the social, economic, political problems of the Philippines,” sabi ni President Duterte.

Source: Manila Bulletin | ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén