Local News

‘Kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang’ Boladas ni Leni dati, Inungkat ng Int’l Trader

Usap-usapan ngayon ang ginawang pagbanat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo. Hindi kasi nagustuhan ng Presidente ang diumano’y pagpapabida na ginagawa ni Robredo sa relief at rescue operations ng pamahalaan.

Pero sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na hindi siya nakikipagkumpitensiya sa gobyerno.

“Sa panahon ng matinding sakuna, dapat lahat na tulong, welcome. Hindi ito contest. Hindi tayo nag uunahan. Lahat tayo dapat nagtutulong tulong para sa ating mga kababayan,” boladas ni Robredo.

Hindi naman pinalampas ng international trader na si MJ Quiambao Reyes ang palusot ni Robredo. Inungkat din ni Reyes ang mga pinagsasabi noon ni Robredo ukol gobyerno.

“MADAM LENI,

Oo nga’t di mo direktang sinabi, pero habang pinapalaganap ng mga anti-admin socmed operators at LP supporters ang mga #LetLeniLead #OustDuterte #NasaanAngPangulo, ano ang ginawa at sinabi mo?

Heto ang pinakawalan mo sa iyong sariling “state of the nation address”:

“Kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang… Tayo mismo ang haharap, tayo mismo ang mangunguna, gagampanan natin ang anumang tungkulin…”

Kung tunay na pagkakaisa at pagtutulungan ang hanap, nararapat ba ang mga ganyang salita mula sa Pangalawang Pangulo habang isinusulong ng iyong mga supot.ers ang #LetLeniLead at #OustDuterte sa gitna ng sunod sunod na hamong hinaharap ngayon ng bansa?

Bagamat nagpapasalamat ako sa tulong na nanggagaling sa opisina mo para sa mga tao (kesehodang galing din ito sa buwis naming mga Pilipino at sa donasyon ng mga naniniwala sa iyo), hindi ako sang-ayon sa mga salitang lumabas sa bibig mo (bagamat binasa mo lang ito) at sa mga propagandang nagmumula sa kampo nyo.

Sana po kasi pag sinabi nating “magtulungan” tayo, tulungan talaga at hindi siraan at tiraan – and please, wag naman sa gitna ng pandemya at unos.”

Narito po ang video na tinutukoy ni Reyes.

Source: MJ Quiambao-Reyes | Archive | Manila Bulletin |

Leave a Reply

Theme by Anders Norén