Local News

Kustomer na Bingi, Walang-awang Kinutya-kutya ng mga Staff ng 7-Eleven

Isang kababayan natin na may problema sa pandinig ang nagreklamo matapos makatanggap na diskriminasyon sa sikat na convenience store na 7-eleven.

Kinilala ang biktima na si Tricia Evangelista, isang junior product designer. Idenetalye ng kapatid ni Tricia na si Jhana ang nangyari sa insidente sa isang social media post.

Ayon sa Facebook post ni Jhana, itina-type ni Tricia sa kanyang cellphone ang mga gustong nitong bilhin at ipinapakita sa staff ng mga tindahan. Ganito daw ang paraan ni Tricia para makipag-usap sa mga establisimiyento. Noong 5:30 pm ng September 4, nagtungo si Tricia sa 7-Eleven Madrigal Building Makati Branch upang bumili ng P50 cellphone load at nang ipinakita ni Tricia ang nakasulat sa kanyang cellphone sa 7-Eleven staff, imbes na bigyan ng P50 load ay P500 load ang ibinibigay. Ang masama pa ay tatawa-tawa pa raw ang staff habang ginagawa ito.

Para ipaunawa ni Tricia ang kailangan niya sa cashier, sumenyas ito, pero lalo itong tinawanan ng 7-Eleven staff. Mas tumindi pa ang diskrimansyon na naranasan ni Tricia nang sumali sa pagtawa ang isa pang clerk.

Ang insidente ay nakumpirma ng close-circuit television (CCTV) footage ng tindahan.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng 7-Eleven sa nangyari matapos makipag-usap ang nanay ng biktima sa managers ng establisimiyento at sinuspindi na rin ng kumpanya ang bastos na clerk.

“We at Philippine Seven Corporation take this matter very seriously, especially as customer focus is one of our core values… On September 5, we were made aware of an incident involving the inexcusable behavior of our clerk towards one of our customers. We investigated the incident as soon as this was brought to our attention and reached out to the customer and her family to apologize on that same day. Our management, clerks, the store operator, and the franchisee have also apologized… As a matter of policy, we have already suspended the staff involved. Rest assured that we are reviewing the incident thoroughly and will be taking steps to prevent it from happening again within our organizationk,” sabi ng 7Eleven.

Ikinadidismaya naman ni Jhana ay ang hindi pagso-sorry ng mismong clerk na nangutya sa kanyang kapatid noong nagtungo ang kanilang ina sa mismong tindahan. Ipinatatanggal din daw ng mismong manager ang kanyang social media post.

Source: Inquirer | Jhana Evangelista

Leave a Reply

Theme by Anders Norén