Local News

‘Labag sa Batas ang Presensiya ng PNP at AFP sa Schools’ – Sarah Elago

Nitong nagdaang mga araw ay naging balita ang tungkol sa mga estudyanteng nawala matapos sumapi sa leftist group na Anakbayan. Nagtungo sa senado ang mga magulang ng mga kabataan ito upang ilahad ang nangyari sa mga anak nila matapos mahikayat ng makakaliwang grupo.

Isa sa mga naging panukala para matugunan ang suliranin na ito ay ang pagpapalakas ng presensya ng mga tagapagpatupad ng batas sa loob ng mga paaralan. Sa isang panayam, inilutang din ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagpapanumbalik ng anti-subversion law o ang batas na kung saan gagawing krimen ang pagsali sa mga kilusan ng komunista.

Ang mga hakbang na ito ay inalmahan ni Kabataan Partylist Sarah Elago. Ayon sa mambabatas, labag daw sa batas na madagdagan ang presensiya ng pulis at sundalo sa mga paaralan.

“Pipigilan natin ang ganyang panukala na naglalayon na magkaroon ng martial law sa mga eskwelahan at dagdagan ang presensya ng pulis at militar na labag sa pambansang batas kundi pati sa pandaigdigang kasunduan,” sabi ni Elago.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa isyu na ito.

“maraming buhay ng mga kabataan ang sisirain ng babaeng ito. pati pamilya pag watakwatakin nya dahil lang sa walang kwentang kwentang pinaglalaban niya. nasaan ba ang magulang ng babaeng ito,” sabi ni J. Grijaldo.

“police and military are assigned to maintain peace and order in the country. Their duty is to protect the citizens/people. bkt nmn matatakot mga kabataan kapag may presence ng police and or military sa school.hnd ba mas feeling secured nga sila? as a parent, i would feel secured too… hnd sapat ang guards. besides kesa nmn marecruit ng NPAs ang mga kabataan db👍 its a win win proposal. sana matuloy,” sabi ni R. Vega.

“Dapat ipetition yang kabataan Partylist mawala sa Congreso, yan ang sumisira sa kunabukasan ng kabataan ,mga maling pananaw sa buhay ang itinuturo sa mga kabataan. Sayang ang pera ng bayan.,” sabi ni L. Bunyi.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén