Local News

Labag sa Batas! Lopez, US Citizen habang Chairman ng ABS-CBN!

Ayon sa ekslusibong ulat ni Jomar Canlas ng The Manila Times, hindi daw tinalikuran ni ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Eugenio Gabriel “Gabby” Lopez 3rd ang US citizenship nito noong nanungkulan bilang chairman ng Kapamilya network.

Nakakuha ang mamamahayag ng mga dokumento mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapakitang gumagamit si Lopez ng US passport kahit na opisyales na ito ng ABS-CBN.

Ayon sa konstitusyon, ang pagmamay-ari at pangangasiwa ng mga mass media ay pinahihintulutan lamang sa mga Pilipino.

“The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens.”

Si Lopez ay pinanganak sa Amerika noong Agosto 13, 1952, base sa birth certificate mula sa Registry Division of Boston sa Massachusetts.

Ang US passport ni Lopez ay inilabas nooong Pebrero 14, 1996, ito ang taon na naging chairman si Lopez ng ABS-CBN. Nanungkulang si Lopez sa Kapamilya network bilang finance director simula pa noong 1986. Noong 1993 hanggang 1996 naman ay naging Presidente siya ng korporasyon.

Lumalabas na Oct. 3, 2000 na lang noong nag-apply si Lopez ng Filipino Citizenship, ilang buwan nang pumanaw ang kanyang ama na si Eugenio Lopez Jr.

“I am respectfully requesting for recognition as a Filipino citizen and the issuance of a Certificate of Recognition pursuant to the rules of the Bureau of Immigration. My full name is Eugenio Gabriel Lao Lopez III. I am presently the holder of an American (United States of America) passport and an American citizen under US laws by virtue of my being born in Boston, Massachusetts on August 13, 1952.” sabi ni Lopez sa kanyang liham kay dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez noong mag-apply ito ng Filipino Citizenship.

Malinaw na sa 14 taon (1986-2000) na parte ng ABS-CBN Management si Lopes ay US Citizen pala ito.

Noong 2004, ay nag-apply si Lopez ng Dual Citizenship.

Source: The Manila Times | 1987 Constitution

Leave a Reply

Theme by Anders Norén