Local News

Lacson, Iimbestigahan ang SEA Games Hosting!

Isusulong ni Senator Panfilo Lacson ang imbestigasyon sa dioumano’y kontrobersiya sa pagho-host ng Pilipinas ng 30th Southeast Asian (SEA) games. Ito ay kahit na nanalo ang ating bansa ng overall championship sa palaro.

“Huwag natin basta ipikit ang mata natin dahil very successful ang performance ng atleta. Huwag nating kalimutan ang possible excesses, hindi ko sinasabing meron, pero dapat patingnan din para hindi na maulit o kaya magkaroon ng kaukulang panukalang batas o legislation para macorrect,” sabi ni Lacson.

Kahit na daw nag-iimbestiga na ang ombudsman ay maaari naman daw magsagawa ng imbestigasyon din ang senado.

“Dati na natin ginagawa. For all we know baka makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan,” ani Lacson.

Giit pa ni Lacson, ang pakapanalo ng mga manlalaro ay dapat ihiwalay sa pangangasiwa ng organizing committee.

“Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC (Philippine SEA Games Organizing Committee). Kung ano man ang honors na ibinigay ng mga atleta, 149 golds, 287 lahat-lahat, walang kinalaman ang organizing committee doon… Ang may kinalaman doon, ang mga sponsors at mga atleta mismo. So huwag natin ipaghalo na ang success ng mga atleta natin. Organizing council ang PHISGOC, sila ang nangasiwa sa pag-coordinate. Ngayon kung ano ang kapalpakan ng PHISGOC, kung totoo o hindi, dapat tingnan sa pamamagitan na oversight na mandate ng Senate at House… Kung may corruption, halimbawa man, sa PHISGOC walang kinalaman ang atleta roon at walang kinalaman ‘yan kung bakit tayo napakarami ng gold medal,” banat ni Lacson.

Isa sa mga isyung gustong tignan ni Lacson ay ang paglipat umano ng pondo mula sa government agency na Philippine Sports Commission, papuntang PHISGOC.

“Malaking question kasi government fund ‘yan hindi mo pwede ilagak sa isang private foundation. ‘Yan ang dapat tingnan even for the purpose of legislation, mag-inquire kung tama ba ‘yan at kung talagang necessity ‘yan baguhin natin ang batas, ang procurement law… Otherwise, mukhang may mali roon. Kasi di ba may na-convict na riyan? Example si former governor Grace Padaca, ‘yung pondo ng provincial government nalipat sa private foundation, na-convict siya. Si (Janet) Napoles, pork ng mga kongresista at senador napunta sa private foundation, may kaso ngayon,” dagdag pa ni Lacson.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén