Local News

Lacson ‘Walang Silbi’, sabi ng Yolanda Typhoon Victim noong 2014!

Panay ang kuda ngayon ni Senador Ping Lacson tungkol sa ginagawang hakbang ng Duterte Administration para tugunan ang krisis na dala ng pandemiya.

Dahil sa pinagkukuda ni Lacson ay hinamon na ito ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magbitiw sa pagka-senador at tumulong na lang sa Duterte Administration para solusyunan ang krisis.

“Gusto mo palitan natin? Okay. Mukha naman magaling ka eh. Hahamunin naman kita ngayon. Huwag ka naman sasama ng loob eh mukhang napakagaling mo. O sige nga, bakit hindi na lang ikaw?… Bakit hindi ka mag-alok na ikaw ang magpatakbo ng rollout national program. Mag-resign ka bilang senador at ialok mo ang sarili mo kung ikaw ay magaling… Competent? Sige tingnan natin (Let’s see) how competent you are. You will be welcomed to the administration,” banat ni Panelo.

Pero ang hamon na ito ni Panelo ay hindi pa kinakasahan ni Lacson.

Si Lacson ay nabigyan na dati ng pagkakataon upang ipakita ang kaniyang kakayahang tumugon sa krisis. Noong panahon ni dating presidente Noynoy Aquino ay itinalaga itong Yolanda Rehab Czar upang pamunuan ang muling pagbangon ng Leyte mula sa pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Pero hindi nagustuhan ng mga Yolanda victims ang mga pinaggagawa ni Lacson. Imbes na tumutok sa kalagayan daw ng mga biktima ay nakatuon daw ang atensyon nito sa pork barrel issue.

Sa panayam sa Yolanda victim na si Efleda Bautista, tinawag nito na walang silbi si Lacson.

“He is useless… He claimed that the municipal and city governments have not submitted their rehabilitation master plans. But as rehabilitation czar, he should not wait for these master plans. He should do the work,” banat ni Bautista.

Kalaunan ay nagbitiw bilang rehab czar si Lacson.

Bilib pa ba kayo sa mga patutsada ni Lacson ngayon sa Duterte Government?

Source: Inq | Manila Bulletin | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén