Local News

Laganap ang Paggamit ng Droga sa UP Campus, ayon sa CHED Chairman

Ayon kay Commission on Higher Education (CHEd) Chairman J. Prospero de Vera III, isa ang University of the Philippines (UP) sa mga lugar kung saan laganap ang paggamit ng droga base sa natuklassan ng Philippine National Police.

“The drug situation inside the campus, it is worrisome because I have seen reports that there is a prevalence of drug problem inside the campus. Do the UP police have the capability to address that problem?,” sabi ni De Vera.

Pero balakid daw sa mga kapulisan na matukoy ang mga durugista sa UP dahil hindi basta-basta nakapasok ang mga alagad ng batas sa mga pook paaralan.

Makakatulong daw na malabanan ang droga at iba pang kriminalidad kung maibabahagi daw ang mga tamang impormasyon sa kapulisan, paliwanag ni De Vera.

“Pag may krimen sa loob ng (If there is crime inside the) campus do they (school authorities) have the necessary skills to apprehend? We should not be expecting those in the academe to become policemen. They don’t have the skills. They don’t have the training” paliwanag pa ni De Vera.

Si De Vera ay dating vice president for public affairs ng University of the Philippines mula 2011 hanggang 2016.

Nitong mga nakalipas na linggo ay inilulutang ng otoridad ang ideya na lagyan ng presensiya ng kapulisan ang mga unibersidad upang masawata ang panghihikayat ng mga makakaliwang at subersibong grupo sa mga estudyante.

“The relationship between the PNP, the Armed Forces of the Philippines, and the universities is very, very close. There is no problem in terms of coordination. There is no problem in sharing of information, in sharing of crime statistics and helping each other,” dagdag pa ni De Vera.

Sinabi naman ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na walang masama sa ginagawa ng PNP at AFP.

Source: Manila Times | Inquirer | Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén