Local News

Lagot! 15 Pabrika, Ipinasara ng Gobyerno dahil sa Pag-Pollute sa Manila Bay!

Sapul sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 15 pabrika sa Bulacan dahil sa paglalabas ng mga marurumng tubig sa ilog na konektado sa Manila Bay. Sa ulat ng inilabas ng DENR noong Enero 25, 12 leather and tannery firm sa Bulacan at 3 sa Marilao ang inisyuhan ng cease-and-desist order dahil sa mga paglabag Clean Water Act. Simentuhan na rin ng ahensiya ang mga drainage canal sa limang pabrika para hindi na umanog ang waste water ng mga ito sa ilog. Ayon kay DENR Region 3 Director Emerlyn Claudio, malaki raw ang kontribusyonn ng mga ito sa polusyon at wala umanong mga waste water treatment ang mga pabrika. Hindi rin daw nakitaan ng permit ang mga ito.

Nakakaperwisyo din da sa mga residente ang operasyon ng pabrika.

“Ito nga tayo masakit na sa dibdib. Nakakasulasok na ang amoy. Kung yung mga nasa paligid, lalo na yung may exposure, I think this is one of the reasons why may complaint dati. Pero nag-stop sila and then nag resurface naman ang operation nila,” sabi ni Claudio

Nagbabanta ang DENR na ipapasara ang mga kumpanya o negosyo na mapapatunayang lumalabag sa mga violating environmental law. Sa katunayan, nasampolan na ang ilang establisimiyento sa may Manila bay Area nito lang Linggo.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duteret si DENR Secretary Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay. Magugunitang nagbanta din ang Presidente sa mga establisimiyento sa paligid ng Manila Bay na magkaroon ng water treatment system at kung hindi ay ipapasara niya ang mga ito.

Nitong lang Linggo ay nagkaroon ng Manila Bay Rehabilitation kick-off program para umpisahan na ang paglilinis sa Manila Bay. Pinangunahan ito ng ilang ahensiya ng gobyerno at ito po ang naging resulta ng pagkilos ng pamahalaan.

Source: UNTV

Leave a Reply