Local News

LAGOT! Congressman, Gustong Paimbestigahan ang Fake News ng Media sa SEA Games!

Isang miyembro ng kongreso ang nakapansin ng tila pagpipiyesta at paglalabas ng ilang traditional media ng pekeng balita tungkol sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Banat ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo, tila nagkaroon ng sabwatan upang siraan ang imahe ng Pilipinas at ng palaro.

“I have this personal impression that they are the first to have concerted, deliberate, organized malicious disinformation campaign in the media, both traditional and in social media, aim at discrediting the organizers., the games, and the Philippines,” sabi ni Congressman Salo.

Magiging masaya rin daw para sa kanya kung maiimbestigahan ang pekeng balita na naglipana sa traditional at social media.

“I will definitely be happy to investigate this particular, fake news being propagated either in the social media or national media, traditional media,” ani Salo.

Napansin din ng mambabatas ang tila pagtutok ng mga media sa mga kamalian.

“This representation is deeply bothered how the national media is treating every single alleged shortcoming in our hosting of the SEA games, as s if these are more important than the game itself… They appear to be having a feast on featuring all the alleged mistakes but neglecting to report the good experiences of the majority of the delegates,” buwelta pa ni Congressman Salo.

Kamakailan lang ay sunod-sunod ang paglalabas sa mga mainstream media ng mga diumano’y pagkukulang at pagkakamali ng SEA Games organizers. Kalaunan ay nakita na ang ilan sa mga balitang ito ay peke pala.

Tulad na lang ng litratong ginamit ng Inquirer para sa Biñan Football Stadium. Sa unang larawan, ginamit ng Inquirer ang under-renovation na football stadium ng UP na may kasama pang mga sira-sirang upuan.

Ang maling impormasyon na nilathala ng Inquirer ay nakarating sa atensyon ng Biñan City Information Office (CIO). Pinuna ng Biñan CIO ang Inquirer, dahilan para humingi ng paumanhin ang media outfit.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén