Local News

LAGOT! Mga Gurong Sangkot sa Rebelyon, Kakasuhan ng PNP!

Matapos ibutata ng hukuman ang kaso ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) laban sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ginagawa umanong profiling ng kapulisan sa hanay ng mga guro, tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde na hindi magdadalwang-isip ang otoridad na kasuhan ang mga miyebro ng ACT na mapapatunayang nakikisali sa pag-aaklas laban sa gobyerno.

Tiniyak naman ni Alabayalde na walang ginagawang profiling ang PNP sa hanay ng mga guro. Ang ginagawa lang daw nila ay bahagi lamang daw ng kanilang intelligence effort para maprotektahan ang bansa sa mga kumakaaway dito.

Magugunitang inamin mismo ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na ang ACT ay kabilang sa kanilang front organization. Itinanggi naman ito ng ACT.

Matapos ma-abswelto ang PNP sa kasong isinampa ng ACT, nasa proseso na raw ang PNP ng paghahanap ng matitibay na ebidensiya laban sa mga kasapi ng ACT. At kung mapapatunayang sangkot ang mga guro sa rebelyon, hindi lang kaso ang kakaharapin ng mga ito, kundi pati ang pagkakatanggal sa kanilang lisensiya.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa hakbang na balak gawin ng PNP laban sa mga gurong mapapatunayang kasapi sa rebelyon.

“ASUHAN NYO PARA MAGTANDA SILA AT NG HUWAG NG PAMARISAN NG IBANG MATINONG GURO. NAWIWILI SILA DAHIL SOBRA NA ANG.PILIPINAS SA DEMOLKRASYA.,” sai ni R. Franciso.

“ama tangalan ng lisenya mga titser na yan..baka tinuturo pa nyan e comonismo sa mga bata at pagsama sa mga rally,” sabi ni L. Dole

“Dapat lang kasuhan kung sasama sa rebellion at alisan sa pagtuturo . Stiff penalty at pasaway , kapanalig ni Sison hulihin At itapon sa bundok nasanay, maganda na nga ang gawa ng government DUTERTE ano pa ang gusto nila,” sabi ni N. Miyaguni

Source: DWIZ | FB

Leave a Reply