Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Lagot! Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Kakasuhan ng Sedisyon ng NBI!

Ayon sa impormante ng pahayagang The Manila Times, ikinakasa na daw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong sedisyon laban sa taong nasa likod ng mapanirang videos series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”.

Na-aresto nito lamang Martes ang suspek sa kanyang pamamahay sa lungsod ng Parañaque.

Sa video series, ipinakilala ang karakter na nagngangalang “Bikoy”. Si Bikoy daw ay dati umanong miyembro ng drug syndicate. Siniraan ni Bikoy ang ilang kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga malalapit na tao sa Presidente sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga. Hindi rin pinalampas ni Bikoy ang menor de edad na anak na babae ng Pangulo na si Kitty at idinawit din ito sa kalakaran ng bawal na gamot.

Nagpakita si Bikoy ng ilang dokumento at pirma sa video para patunayan kanyang mga akusasyon. Pero agad itong nabutata ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. nang magsalita ang bangko matapos magamit ang kanilang logo sa isa sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy para siraan ang pamilya Duterte.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” sabi sa pahayag ng RBGI.

Isang alkalde din mula sa Maguindanao ang umalma at sinabing ninakaw ng mga tao sa likod ng libelous video ang kanyang pirma.

Nitong mga nagdaang mga araw ay nag-labas ang Malacañang ng “Oust-Duterte” Matrix. Sa naturang matrix, makikita na ang “Bikoy” videos ay parte ng destabilisasyon laban sa gobyerno at konektado umano ang ilang media organizations sa pagpapakalat nito.

Source: Manila Times | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén