Local News

“Lahat kayo Tatanggalin ko kung..” Mayor Isko, Nagalit at Nagbanta sa mga Traffic Enforcers!

“Isuko niyo nalang, kilala ninyo yung nasa video,”

Matapos ang flag ceremony sa may Manila City Hall ay agad kinausap ni Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso ang mga enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa ulat na natanggap niya patungkol sa pangongotong ng isa sa mga enforcers.

Banta ng alkalde, sisisantihin niya ang buong unit kung hindi nila ituturo ang kasamahan nila sa trabaho na nangotong sa isang traffic violator.

“Kapag hindi niyo sa akin tinuro ‘yung nasa video, lahat kayo tatanggalin ko… Tandaan niyo yan!” babala ni Mayor Isko.

Ayon sa Punong Lungsod, ang pananahimik daw sa nangyayaring pangongotong ng kasamahan ay katumbas ng pagpayag ng mga ito sa korapsyon. Inudyukan din ng Alkalde ang mga enforcers na gawin ng maayos ang mga trabaho at huwag bigyan ng kahihiyan ang mga pamilya.

“One head, isang kopunan kasalanan ng lahat… pag hindi kayo nag sumbong ng kapwa niyo nangongotong damay damay tayong lahat dahil ang pananahimik ninyo ay ang pag payag niyo,” dagdag pa ng Alkalde.

Ang video na tinutukoy ni Mayor Isko ay mula kay Maribeth Pador. Ayon sa Alkadle, imbes na tiketan na lang ng hindi pa kilalang enforcer ang pamilyang nahuling nag-overloading sa motorsiklo, kinotongan pa raw nito ang mag-anak.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa aksyon ni Mayor Isko.

“Mahal na Panginoon pag ingatan mo po ang aming mabuting mayor nalalaman naming marami syang nasasagasaang masasamang tao sa kanyang hangaring malinis ang pamamahala sa lungsod ng Maynila. Amang Makapangyarihan sakluban mo po ng iyong mapag ingat na kamay ang aming butihing alkalde ito ang aming pagsusumamo at panalangin. Kahabagan mo po ang aming munting lungsod ng Maynila,” sabi ni D. Ruiz.

“Mayor Isko Moreno Domagoso is trying all His best to lead a LEADERSHIP full of trust, honest and dedication public service to the City of Manila.
Good job, Beloved Mayor of all Season.
God Bless. ,”
sabi ni J. Eblacas.

Source: Manila Public Information Office | Maribeth Pador

Leave a Reply

Theme by Anders Norén